Monday, January 30, 2006

ordinary

Monday nanaman....konti na lang...amoy bakasyon na....ala ata akong magiging medal...ang bobo ko naman, pero hindi naman, itago nalang natin na "tamad ako".
Naiinis ako! kahapon may banda sa SM baguio...andun yung ate ko....bakit???!!! bakit na-hug ng ate ko si Champ Lui Pio?? waaaaaa dinescribe nya na malambot daw at mabango pa si Champ. Hayzzzz sana ako rin kaka-inggit. Bibigyan na lang daw nya ako ng picture.
*****
Kanina Nagdiscuss si Sir Rivera sa parts ng T-square na sa kasamaang palad ay hindi pa ako nakakabili, mali ata ako sa hula ko. So ayun discuss.... yada yada yada...Tapos ewan ko kung stupidity lang talaga or ano, kasi may part sa T-square na "Hole"(butas, para sa sabitan) si Michelle tinanong kung ano ang spelling ng "hole" kay Julius...gosh....ha???!!
Kanina rin narinig ko nanaman si "Best in English" na si Rose ann, as in feeling (waaaa ang sama ko ata ngayon >_<) nag english nanaman eh ampangit naman ng diction di bagay. Yun lang talaga, para kasing lahat ng english word (sentences also) na sinasabi nya eh parang binabasa or di kaya kinabisado, yung hindi natural....Naiinis ako ng kaunti sa kanya kasi ma-feeling sya ngayon...ewan ko...iba na sya sa dating Rose ann na nakilala ko nung 1st year...uyyy concern....pero ganun na sya eh..okay lang naman...kahit araw-araw pa kaming magdeadmahan.

Sunday, January 29, 2006

yehey

YES!!! wooohooo! hindi ako natuloy sa pakikipagkita kay Jett sa kadahilanang ayaw akong payagan ng parents ko. Ang bait talaga ni Lord kagabi dinasal ko pa na sana hindi talaga ako matuloy sa bahay nila. Sabi ni mama eh wag daw ako pupunta sa bahay nila kasi *tooooooot* sikreto, may chismaxs kasi ayokong sabihin. Ala pa rin ako hanggang ngayon ng T-square pero magkakaron din ako nun. siguro mamayang hapon....malay...ewan....baka.....
Chinese New year nga pala ngayon kaya Kong hei fat choi(mali spelling nito alam ko) sa akin!
Kahapon nga pala yung isang gumagawa sa bahay eh manghuhula pala. So ayun tinanong nung matandang lalaki kung kelan yung b-day ko at magpapaparty daw kami...joke...hindi yun talaga ang nangyari...Yun hinulaan nya yung ugali ko so eto na yun:
tahimik lang daw ako pero matalino(nax flattering....why thank you sir!)
Matipid(medyo nga)
Maraming pera(medyo rin)
Swerte(hindi nga? talaga?)
Crybaby(oo na aaminin ko na)
Galing-galing naman nahulaan nya ugali ko kahit di ko sya kilala.
********************************************************
Nakapanood ako nung Grim adventures w/ Billy and Mandy nung isang araw nakakuha ako ng quote sa palabas eto sya:
Mandy: Billy, youre eating yourself.
Billy: I cant help it, I'm so yummy!

NICE! ( paumanhin kung ang iba ay sa tingin ay mababaw ako)

So ayun! Nagugutom ako....gusto kong kumain sa Mcdo o kahit saan...hayzzz

Saturday, January 28, 2006

stupid!!!!

stupid me stupid me stupid me stupid me stupid me stupid me stupid me stupid me stupid me...
I'm so stupid! bakit ang bait-bait ko? ever since lumipat ako ng school, kahit isa sa mga dati kong classmates(yung mga friends exempted) ayokong ayokong makita. Tapos ngayong gabi yumanig ang imaginary world ko na happily ever after na, kalimutan na ang past sa dati kong nightmare school. unexpected phonecall from an unexpected person waaaaaaaaaaaaa bat sa dami ng pwedeng tumawag si Jett pa? Si Jett na sosyal, na hirap abutin ng level, sya yung tipong sana i'm in her shoes. Nanghihingi ng tulong....pwede daw ba akong ma-interview para sa ewan na subject nila? Pinawisan ako sa kaunting segundo na pwede akong mag-isip, para sakin parang tinatanong ka sa kasalanan na alam mong ginawa mo. Puro sablay ang sagut ko...kelan daw ako free? Sunday? ahh eh OO? San tayo magkikita? Sa bahay ko?(w8t ginagawa ang bahay namin!) Hindi pala pwede sa inyo nalang....anung oras? 9am?(jos ko naperwisyo ako kelangan ko pang gumising ng maaga sh*t) Wakoko nanlalambot ako ngayon...ayoko na...gustong ko na lang magkulong sa kwarto ko...sana nagsinungaling na lang ako na busy ako tomorrow or may sakit ako...again...bakit ba ang bait ko sa kanya eh medyo nga naiinis ako sa ugali nya dati kasi maarte sya at mabait pag may kailangan sayo pero kapag wala deadma ka lang. Bakit hindi ako maka-hindi? Isa pa ala akong mukang ihaharap sa kanya...Gusto kong lumindol bukas, bumagyo para hindi ko kailangan pumunta sa kanila....Sabi ng mama ko, sya may kailangan dapat sya pumunta sakin, hindi ako....hindi na lang ako sumagot....ayokong makipagtalo, ala na din ako magagawa nag-oo na ako...Help me Lord!!!! weird ko talaga kasimple lang pinoproblema ko. Pero kasi sakin its a matter of life and death(OA naman ata yun)...so ayun...get ready to be mangha tomorrow and also inggit for sure maganda cp, clothes, house nya...Nahihiya din ako sa family nya sa sibs nya, sa mudra nya na uber sosyal....jos ko tulungan nyo ako....yung pakiramdam kasi ubligado mong gawin ang isang bagay na hindi mo pinangarap na gawin sa buong buhay mo.
tumatakbo parin sa isip ko: stupid me stupid me stupid me stupid me....

Wednesday, January 25, 2006

I find it kinda funny...

Kaninang pauwi, nasabi sakin ni Tadeoeps(epal kasi) ang isang balita na unexpected. Hindi ko alam kung matatawa ako or yung tipong deadma lang. Yung pagkakakwento sakin ni Tadeoeps eh yung may pagka-worried, sabi nya wag ko daw ipagkakalat. Nung marinig ko yung balita eh napasigaw ako in disbelief. Ayun medyo natawa ako, from serious nagshift ang expression ko. Kasi si Judilyn na arrrghhh ang hirap sabihin, minsan kasi ang hirap sabihin ng totoo, minsan kasi lalabas na nanlalait ka ng iba, yung tipong super perfect mo na para mag-judge ng iba...inaamin ko naniniwala ako sa karma...ok tama na back to reality....Si Judilyn na masasabi kong hindi gaanong kagandahan(at nababawasan pa dahil masyado nyang dinadown yung sarili nya) ay may boyfriend na! ohmygulay....medyo aaminin ko nakaka-insicure dahil kung ako nga eh kahit kelan hindi pa ako nagkakaron ng boyfriend or kahit m.u. man lang. ewan ko, sa tingin ko ang its not a must naman. Gusto ko may manligaw sakin pero kapag meron may balak na manligaw sakin, gusto ko mawala na sila bago pa manligaw(abnormal?).Pero wtf is wrong kaya....bakit isang dosena ang crush ko? Siguro napaka mapili ko sa lalake, gusto ko kasi gwapo(hindi ako magiging hypocrite sa tingin ko kahit sabihin natin na gusto mo ganito ganyan na lalake eh hinahanap parin natin yung gwapo sa paningin natin), mabait, mayaman, matangkad, maputi, naalala ko tuloy yung nabasa ko sa book ni Bob Ong na may isang humihiling sa diyos na makatagpo ng lalake na may katangian na sinabi ko, pinagtatawanan sya ng diyos kasi lalake din sya. In my case...babae naman ako ah! anu nanaman to...tama na nga.....pero ito kasi ang linya ko...."strict ang parents ko" walang boyfriend2x bata pa ko noh.

Saturday, January 21, 2006

hay naku...

Exams are over! 4th grading na, naisip ko lang 3rd year na ko this year 4th year high narin...Kailangan ko siguro galingan sa school kasi natatakot ako kung mababa grades ko baka hindi ako makapasok sa mga target schools ko sa college, nakapag-decide na ako na com sci kukunin kung course kasi... yun...kung pede pagnakagraduate ako mag fine arts pa ko hehe (kina-career ganun talaga)....sa summer siguro magpapainting class na lang ako(or guitar??)...Sa Manila or Baguio ako mag-aaral (syempre ayoko sa nueva ecija para kasi wala akong mararating...) pero mas gusto sa Manila for "slight-personal-reason" masaya din sa Baguio kasi malamig, sana makapasa ako sa school na gusto sa Manila, di ba hindi naman masamang mangarap, kaya ayun think positive MAKAKAPASA AKO! study and a couple of prayers ang kailangan....sabi nga nung iba mangarap ka lang sigurado matutupad yun ang masama eh yung wala ka kahit isang pangarap sa buhay kasi pag ganun wala nang matutupad kasi wala naman kailangan tuparin(hehe corny ba? sa tingin ko hindi). Talagang ganun lang yun pero wag naman masyadong mangarap kailangan gumawa ka rin kasi sabi nga ni Epictetus:
"No man is free who is not master of himself"
Nasasayo din yun.
Muka na akong nagsesermon dito ng mga wisdom-kuno, tama na nga...
----ciao!

Sunday, January 15, 2006

paa...feet whatsoever

Kanina napansin ko ang aking feet....ang panget...sa dinamidami ng pwedeng maging paa sa mundo eh eto pa ....malaki na nga may ugat-ugat pa at yun parang nasa genes ko pa yung hindi common na shape nya (ayokong baggitin) and recently nasugatan pa dahil sa spring ng notebook ko na pakalat-kalat. Sa lahat ng ayaw ko mag tsinepen kasi lilitaw ang feet ko kaya puro sneakers lang gusto kong sapatos(ayoko ng fli-flops, sandals whatsoever) kailangan may socks syempre...nagtataka din ako bakit ang ganda ng feet ng ate ko? kabaliktaran sa akin pero kahit ganun naisip ko na super swerte ko parin sa paa ko...kasi yung iba wala ngang paa, yung iba napuputulan pa(saklap). Para tuloy yung mga bagay na hindi perpekto sakin eh yun ang nagpapaperpekto sa akin...ang gulo hehe corny time....
-----ciao

Sunday, January 08, 2006

Romeo and Juliet



Got this from the newspaper(credit sa Inquirer) this morning...nax hanep ang pose ni Romeo at Juliet(talagang magkapatong hehe pinutol ko lang). Si Romeo(Yanni Yuzon) yung kapatid ni Yael Yuzon and also guitarist of Pupil (gosh my attitude sobra) and si Juliet (Ina Feleo) yung nasa picture...mukang maganda(sa video palang ng Gemini ng Sponge cola eh muka na talaga) yung play kasi may pagka-bad ang pagganap ni Yanni sa role nya....gusto ko sana mapanood kaso ang layu eh mangarap na lang...hayzzzz

Tuesday, January 03, 2006

NEW YEAR...

First entry ko to sa New Year....
malas ata year of the ram....
ewan....
malay....
baka....
siguro...
hindi nga?
yata...