Monday, February 27, 2006

Flower fest

Ayun...sa wakas...natupad din ang wish ko(gamit ang deadly pangungulit ko at parinig). Nagpunta kaming dalawa ni mama sa Baguio para sa festival. Dayhe so dami ng tao at worst...alang taxi.....so naglakad kami na nakakapagod sabay ang pagkaligaw. In short ala talagang nangayari, wala akong nakita kukndi tao masasabi kong "it was a BLAST!"(sarcastic way).
good news! hindi ako nahilo. Hindi ko rin napanood yung parade, as in wala! walang banda, alang celebrity hayzzzzzzzzz

Friday, February 17, 2006

prom sheeeshh

So last night ay JS Prom ng school namin, gosh hayyyzzzz, so it means na may search for the Prom King and Queen. Some of my classmates sabi eh dapat kasali daw ako (syempre ako flattered *blush*) kaso nga lang eto ang lagi kong problem, ewan ko kung bulag yung mga teachers or what lagi na lang as in ala akong maalala na nagsabi sakin na teacher na may itsura ako laging deadma. Sa totoo nga kagabi lang ako nagsuot ng gown. (trivia: Kahit kelan hindi ako na-invite sa mga wedding na maging flower girl etc. kaya hindi pa ko sa buong buhay ko nakapagsuot ng gown) So as usual si Michlle ang Prom Queen at si Ryan yung Prom King hmmmpp. Eh talaga naman nagkatornado sandali sa Prom namin ng marinig ko:

RoseAnn: Uy Michelle yan ba yung tig-300 each?(pointing to Mich's 2 butterfly clip)
Michelle: oo(smiling)
RoseAnn: yan ba ang mahirap ang buhay blah blah blah blah.....

my reaction: huh???!!! duh???!!!! I think hindi na nya kailangan na mag-practice ng humility kailangan nyang mag-practice na magsabi ng katotohanan. Hay ewan ko...sakit ba ang kayabangan? Kaso mayabang na kung mayabang eh totoo ba naman kasi ang pinagyayabang?

Hay ewan ko dahil sa kanya I cant control my big fat mouth tuloy.
.
.
.
.
.
Naiinis ako.

Wednesday, February 08, 2006

......

Kaninang pauwi....unexpected nakasabay ko si Gelo, classmate ko dati. Hay naku di parin talaga nagbabago biruin mo pasakay pa lang bigla kaagad sinabi "Uy, si Jellica!"....Ok lang naman sya, hyper at medyo talkative(hentai??mahilig sya dun >_<), pero magugulat ka kapag seryoso, di ko parin malimutan nung tinanong namin ni Nina(nung nagkakagulo kami kaiisip kung sang school kami lilipat) sa kanya kung san nya gustong mag-aral, sabi nya "Kahit saan, buti nga pinag-aaral tayo ng magulang natin eh...". Nagkatinginan kami ni Nina at nasabi "oo nga noh.
Sya rin nga pala ang kaklase ko na laging nakakaparty sa ragna dati. Suki kami ng internet cafe sa marketing hehe.
Ayun nangumusta sya nagtatanong kung nagoonline pa 'ko kaso parang napakalimited ng mga sagot ko, hindi ko alam kung ano right word...Medyo na link din kami nun(pero nililinaw ko wala talaga simpleng magkaklase lang kami na mahilig mag-online games!) Lakas mang-asar saming dalawa eh yung may-ari ng net cafe....pero ala naman talaga syang crush sakin, ako? ewan no comment....napapangiti na lang ako tuwing naaalala yun....

Saturday, February 04, 2006

leshi

Bilib talaga ako sa sarili ko, lumipas nanaman ang isang araw na wala akong ginawa. Wala yata akong motive sa buhay ko ha-ha. Kanina na-prove nanaman na tamad talaga ako, kanina may nahulog na medyas sa floor(galing sa laundry) tapos binigay sakin nung mama ko yung kapares nya, naisip kong ibato yung kapares sa nahulog para magkasama sila...natawa si mama nung ihahagis ko na, tamad daw pala talaga ako >_<

woohooo

Are you dumb?

Nope, you're not dumb at all! Congrats!

Click Here to Take This Quiz
Brought to you by YouThink.com quizzes and personality tests.

Thursday, February 02, 2006

FEBU

Yay, February na pala...ang bilis...lapit na ng "ValenTIMES day" (yan tawag ko nung elementary pa ko, akala ko ganun yung spelling nun, yun pala "Valentines" ang tama...numskull talaga). Hindi ko alam kung ilang beses ko nang ginamit dati yung word na yun, nakita ko lang minsan nung pinagagawa kami ng card na mali yung spelling ko, syempre at first medyo hindi pa ko kumbinsido...pero nagising na rin ako sa katotohanan.
Wala naman special sa February, ala naman akong "love" para...you know....Excited ako sa February 26 kasi...Flower Festival! Sana makapunta ako, kung makakapunta 'ko (bilis) eh fisrt time ko yun hehe. Gusto ko maranasan ulit yung umuusok yung hininga parang mga movies sa ibang bansa. Nung december(asaBaguio ako) namangha kasi ako ng mapansin ko nung madaling araw na umuusok yung hininga ko, kaya ayun puro breath-out ako lolzz.
Sa wakas ay nakabili na ako kahapon ng t-square, na last minute pa ko, magsasara na kasi yung mall tapos isa na lang yung t-square. Tadhana?
************************************************************************************
"Its not that I dont believe you, its just that I dont believe you."
------Mandy(Grim Adv. w/ Billy & Mandy)